Manila, Philippines – Idinaan sa zumba ng mahigit isang-libong drug dependents ang pagtatapos nila sa community-based drug rehabilitation program ng Quezon City.
Bahagi ito ng programa na Quezon City Anti-Drug Abuse Council (QADAC) na layong tuluyang ilayo sa droga ang mga kabataan matapos silang maka-graduate sa drug rehab program.
Ayon kay Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte at chairperson ng QADAC, karapatan pa rin ng mga kabataang nalulong sa bawal na gamot na bigyan ng pagkakataong makapagbagong buhay.
Ang zumba dance exercise ay simbolo rin aniya ng pagkakaisa ng lokal na pamahalaan sa pagsupil ng droga sa lungsod.
Facebook Comments