₱124-M misdeclared agri products, nasabat ng BOC

Aabot sa 124-milyong pisong halaga ng misdeclared agricultural products mula China ang naharang ng Bureau of Customs sa isinagawang inspeksyon nitong nakaraang Linggo.

Ayon sa BOC, consignee ng dalawang kargamento ang Dairy Consumer Goods Trading at Jeroce Consumer Goods Trading.

Deklaradong mga sahog sa “hotpot” gaya ng seafood at pork meat ang kargamentong nakapangalan sa Dairy habang “steamed buns” naman ang sa Jeroce.


Pero nang inspeksyunin, tumamban sa mga tauhan ng BOC ang mga frozen whole duck, frozen chicken at pork products.

Bago ito, nakatanggap ng impormasyon ang Custom Intelligence Group at Customs Intelligence and Investigation Service ng impormasyon na may iligal na kargamento ang mga nasabing consignee kaya’t hiniling nila na isailalim ito sa 100 percent examination.

Samantala, inisyuhan na ng warrant of seizure and detection orders ang dalawang consignee habang kakasuhan din sila ng anti-smuggling cases dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.

Facebook Comments