Full implementation ng NCAP sa QC, epektibo na sa Hulyo 1

55

Paalala sa mga taga-Quezon City…

Sa July 1 ay sisimulan na ng lokal na pamahalaang lungsod ang full implementation ng No Contact Apprehension Program (NCAP).

Ayon sa city government, ang mga violators ng batas trapiko sa lungsod ay huhulihin na sa pamamagitan ng traffic enforcement cameras.


Sinumang lalabag ay makatatanggap ng notice of violation at pagmumultahin base sa QC Ordinance No. SP 3052 S-2021 o ang QC Traffic Management Code.

Nabatid na Oktubre noong nakaraang taon nang ilunsad ang pilot run ng NCAP sa lungsod.

Facebook Comments