Friday, January 23, 2026

๐—”๐—–๐—–๐—ข๐—จ๐—ก๐—ง๐—”๐—ก๐—ง ๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—˜๐—ฅ ๐—ก๐—” ๐—ช๐—”๐—ก๐—ง๐—˜๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ก๐—”๐—ก๐—”๐—ž๐—”๐—ช ๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—”๐— ๐—˜๐— ๐—˜๐—ž๐—˜ ๐—ก๐—š ๐——๐—ข๐—ž๐—จ๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—ข, ๐—”๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—”๐——๐—ข


Cauayan City – Matagumpay na naaresto ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan ang No. 1 Provincial Top Most Wanted Person na sangkot sa mga kasong Qualified Theft at Falsification of Private Documents sa bayan ng Delfin Albano, Isabela, kahapon ika-22 ng Enero sa Brgy. BRagan Sur, Delfin Albano, Isabela.

Kinilala ang suspek na si alyas โ€œViel,โ€ 40-anyos, isang account officer at residente ng Barangay Sandiat, San Manuel, Isabela.

Nadakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong Qualified Theft at 27 bilang ng Falsification of Private Documents.

Mayroon namang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek ngunit ito ay nagkakahalaga ng tig-โ‚ฑ30,000.00 bawat bilang, na may kabuuang halagang โ‚ฑ810,000.00.

Ayon kay Acting Provincial Director Police Colonel Manuel Bringas, patuloy ang PNP Isabela sa mas pinaigting na pagpapatupad ng batas at paghahatid ng hustisya, kasabay ng pagtitiyak na ang lahat ng operasyon ay isinasagawa nang naaayon sa umiiral na batas.

โ€Žโ€Ž—————————————
โ€Ž
โ€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,ย www.rmn.ph/985ifmcauayan.
โ€Ž
โ€Ž#985ifmcauayan
โ€Ž#idol
โ€Ž#numberone
โ€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments