Natagpuan, kamakailan, ang isang babaeng nakahandusay at wala nang buhay sa isang bakanteng lote sabayan ng Bautista, Pangasinan.
Diumano, nadatnan ito pasadong alas siyete ng umaga, kung saan nakababa ang pang-ibabang saplot nito.
Sa ngayon, hindi pa tukoy ang dahilan ng pagkamatay nito, ngunit hindi inaalis ang posibleng panggagahasa rito dahil sa nakababang saplot.
Nananawagan naman ang awtoridad sa kung mayroong nawawalan ng kapamilya.
Samantala, patuloy na gumugulong ngayon ang imbestigasyon ukol sa nasabing insidente, at patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments