𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗩𝗔𝗟𝗨𝗘 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗩𝗜𝗗𝗨𝗔𝗟, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡

Arestado ang 35 anyos na tricycle driver kinilalang si Allan Arguilles residente ng Malued District, Dagupan City sa isinagawang buy bust operation ng awtoridad sa Brgy. Embarcadero, Mangaldan.

Dati na umanong nakulong sa kasong Homicide ang suspek sa Ilagan, Isabela at nang makalaya ay naging tricycle driver ngunit sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Mangaldan at ilan pang bayan sa ika-apat na distrito ng Pangasinan.

Narekober sa suspek ang 35 grams ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng PHP 238,000. Nasakote rin ang 15 piraso ng 1,000-peso machine copy bills na boodle money, smartphone at tricycle na gamit nito.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Mangaldan Police Station ang suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 na kakaharapin nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments