𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗕𝗨𝗬𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗘𝗥𝗞𝗔𝗗𝗢, 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡

Nanatili pa rin ang mababang bentahan ng sibuyas sa mga pamilihan sa lalawigan ng Pangasinan ngayong huling linggo ng buwan ng Enero.

Sa pagtatanong-tanong ng IFM News Dagupan sa mga nagbebenta ng sibuyas ay nanatili pa rin anilang mababa ang bentahan kung saan ang iba sa kanila ay nasa ₱20-₱25 ang kada kalahating kilo nito, kung magandang klase naman anila ay nasa ₱50-₱70 ang kada kilo.

Paliwanag ng DA na dahil sa maraming suplay ng sibuyas at marami na sa mga magsasaka ang nakapag-ani na ng kanilang mga pananim na sibuyas kaya’t ganito nalang karami ang sibuyas sa mga pamilihan.

Samantala, sa tuwing magluluto, hindi mawawala ang rekados na sibuyas na mas nakakapagbigay ng lasa sa mga pagkain inihahain.

Ilan lamang sa mga benepisyong makukuha sa sibuyas at maganda sa kalusugan ay maliban sa napakabangong amoy kapag naigisa na, ay ilan lamang sa mga nutrisyon ang pwedeng makuha rito gaya ng Vitamin C, Dietary fiber, Folic acid, Calcium, Iron, Protina at Flavonoid.

Ang mga Sibuyas ay may Antioxidant at Anti-Inflammatory Properties, nakatutulong ang sibuyas sa pagpapanatili ng lebel ng Blood Sugar, at mayroong Anti-Cancer Properties na makakatulong sa mga taong may Breast cancer, Colorectal cancer, Ovarian cancer, Lung cancer at Bladder cancer. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments