Friday, January 16, 2026

π—•π—œπ—‘π—”π—§π—” 𝗦𝗔 π—¦π—”π—‘π—§π—œπ—”π—šπ—’ π—–π—œπ—§π—¬, π——π—œπ—‘π—”π—žπ—œπ—£ π—‘π—š π—£π—¨π—Ÿπ—œπ—¦π—¬π—” π——π—”π—›π—œπ—Ÿ 𝗦𝗔 π—žπ—”π—¦π—’π—‘π—š π—”π—§π—§π—˜π— π—£π—§π—˜π—— 𝗠𝗨π—₯π——π—˜π—₯

Cauayan City – Naaresto ng mga awtoridad ang isang 19-anyos na construction worker matapos ang isinagawang operasyon ng pulisya sa Santiago City.

Kinilala ng pulisya ang suspek sa alyas na β€œJaylord,” isang residente ng Santiago City.

Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng korte kaugnay ng kasong Attempted Murder na isinampa laban sa kanya.

Pinangunahan ng Mobile Patrol Unit, katuwang ang Presinto Tres, ang pagsisilbi ng naturang warrant. Ayon sa korte, maaari namang pansamantalang makalaya ang akusado kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng β‚±120,000.

Matapos ang pag-aresto, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine.

Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng Presinto Tres at inaasahang ihaharap sa korte para sa kaukulang proseso ng batas.

————————————–
β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments