
βCauayan City – Magkakaroon ng Blood Letting Drive sa Cabatuan Municipal Social Hall bukas, Pebrero 20, 2026, simula alas-8:00 ng umaga na layong makalikom ng sapat na suplay ng dugo para sa mga pasyenteng nangangailangan nito.
βInaanyayahan ng Rural Health Unit (RHU) Cabatuan ang lahat ng kwalipikadong residente at mga kalapit na lugar na makiisa sa nasabing programa. Bukas ito sa sinumang nagnanais magbahagi ng dugo bilang pagtulong sa kapwa.
βAyon sa mga RHU Cabatuan, mahalaga ang bawat donasyon upang makatulong sa mga biktima ng aksidente, pasyenteng ooperahan, at iba pang may malubhang karamdaman.
βSa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, maipapamalas na ang bawat isa ay maaaring maging bayani sa simpleng paraan.
βSource: RHU Cabatuan
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










