
β
βCauayan City – Inilabas na ng COMELEC Cauayan ang mga lugar kung saan isasagawa ang Satellite Registration para sa buwan ng Pebrero.
β
βKabilang sa mga lugar ang Brgy. Maligaya kung saan gaganapin ito sa kanilang Community Center sa ika-3 ng Pebrero, Brgy. Andarayan, Bugallon, at Union naman sa ika-4 na gaganapin sa Union Community Center, sa ika-5 naman ang Brgy. Turayong na gagawin sa Cauayan City National High School – Main Campus, habang sa ika-10 naman sa Mabantad Community Center.
β
βMaliban dito, magiging venue rin ng satellite registration ang Carabatan Grande sa ika-12 ng Pebrero, sa Cabaruan Community Center naman sa ika-16, District 1 naman ang may schedule sa ika-19 ng Pebrero, at sa ika-26 naman ang Brgy. Sillawit.
β
βMay itinakdang araw din para magparehistro ang mga Persons with Disabilities (PWDs) sa ika-24 ng Pebrero.
β
βAyon kay Election Officer Atty. Johanna Vallejo, magtatagal ang kanilang aktibidad hanggang ika-18 ng Mayo ngayong taon.
β
βLayunin ng satellite registration na mailapit sa mga kababayang nasa malayong lugar ang pagpaparehistro upang sila’y makaboto sa nalalapit na Barangay and SK Election.
β
βBukas naman ang opisina ng COMELEC Cauayan mula Lunes hanggang Sabado mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
—————————————
β
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










