𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖, 𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗩𝗢𝗧𝗘𝗥 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗘𝗕𝗥𝗘𝗥𝗢

Naghahanda na ang Commission on Elections para sa nalalapit na muling pagbubukas ng voter’s registration sa ika-12 ng Pebrero, ngayong taon para sa 2025 National and Local Elections.

Dahil sa muling pagbubukas ng registration, muling nananawagan si Atty. Marino Salas ang COMELEC Pangasinan election supervisor sa publiko na hindi pa nakapag-parehistro na magtungo na sa mga tanggapan ng COMELEC upang magparehistro at upang malayang makapili ng nais iboto.

Aniya pa, hindi na mahihirapan ang publiko na malayo sa kanilang original na lugar dahil may ilulunsad ang komisyon na tinatawag na Register Anywhere Program (RAP) kung saan maaari nang makapagparehistro ang publiko sa kahit anong lugar na pagtatalagaan ng programang ito.

Aniya, itatalaga ang mga ito sa bawat lungsod at capital town sa bansa kung saan dito sa Pangasinan, ilulunsad ito sa bayan ng Lingayen na Capital town ng probinsiya at mga lungsod ng San Carlos, Dagupan, Urdaneta at Alaminos.

Dagdag pa nito na ang RAP ay kalakip na tuwing magsasagawa ng voter’s registration.

Dito, maaaring lamang magpakita ng valid ID na kasama ang ang mukha at pirma ng magpaparehistro kung saan maaaring gamitin ang PhilID Cards o EPhiIDs sa paparehistro. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments