𝗖𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗨𝗧𝗨𝗟𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨

Cauayan City – Tikom-bibig ang isang lalaki matapos itong maaresto ng mga awtoridad dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga noong, ikatlo ng Oktubre, sa Brgy. District 1, Cauayan City, Isabela.

Sa ikinasang Anti-Illegal Drug Buy-bust Operation ng mga awtoridad, Nasakote ang suspek na kinilalang si alyas “Moy”, kabilang sa street level individuals.

Nakumpiska sa kanyang kontrol at pag-iingat ang 2 silyadong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na siyang buy-bust item, 1000 peso bill na buy-bust money, karagdagang 8 piraso ng maliliit na silyadong plastic sachet na naglalaman ng parehong kontrabando, at mga non-drug items.


Samantala, ayon sa mga awtoridad hindi ito ang unang beses na naaresto ang suspek dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Cauayan City Police Station ang suspek na nakatakdang maharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments