Isinagawa ang groundbreaking ceremony ng ikalawang Super Health Center na Dagupan City, kahapon. Hudyat ito ng pagpapatayo ng naturang pasilidad na matatagpuan sa Brgy. Malued.
Ayon Kay DOH Region 1, Regional Director Dra. Paz Sydiongco, naglaan ng 12 milyon para sa naturang pasilidad na i-implement ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon.
Aniya, pagsisiguro ito na magkakaroon ang bawat indibidwal ng access sa de kalidad na programang pangkalusugan.
Hindi lamang mga residente sa barangay Malued ang Pinagsisilbihan nito dahil kasama na rin ang mga residente mula sa Lasip Chico, Pogo Grande, Pogo Chico, Tapuac, at Lucao.
Ang unang super health center sa lungsod ay matatagpuan sa Brgy. Bolosan na napapakinabangan ng mga residente ng Eastern Barangays. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨