Nakatanggap ang nasa higit tatlong libong estudyante sa Alaminos City ng allowance mula sa City Scholarship Program nito para sa ikalawang semestre para mga nasa Category B scholars.
3,078 ang kabuuan ng mga estudyanteng nasa Category B scholars ang nakinabang sa naturang allowance sa ilalim ng scholarship program ng lungsod.
Ang programang ito ay magbibigay ng suporta sa mga kabataang nais maabot ang pangarap at makapagtapos ng pag-aaral.
Bahagi ang naturang scholarship program sa isa mga pinakamalaking proyekto ng lokal na pamahalaan ng lungsod.
Samantala, tinalakay din sa naganap na pamamahagi ang mga dapat na maunawaan ng mga estudyante bilang kasama sila sa Alaminos City Scholarship Program at kung ano-ano ang mga dapat na tandaan at kung ano ang nakapaloob sa naturang programa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨