𝗜𝗕𝗔’𝗧 𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗛𝗘𝗡𝗦𝗬𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗧𝗔𝗥𝗘𝗠, 𝗦𝗔𝗡𝗜𝗕 𝗣𝗪𝗘𝗥𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗦𝗘𝗠𝗔𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗔 𝗔𝗧 𝗦𝗨𝗠𝗩𝗔𝗖

Naghahanda at sanib pwersa ang hanay ng Municipal Disaster Risk Reduction Management at iba pang kasamang sangay ng lokal na gobyerno ng Mangatarem para sa nalalapit na Semana Santa at Summer Vacation o SUMVAC.

Nagsagawa ang hanay ng Disaster Response Cluster Group Emergency Meeting at nagkaroon ng pagtalakay sa ilang preparasyon para sa holy week at maging pagdagsa ng mga tao.

Layon din ng naturang pagpupulong ang pagpapaigting sa kahandaan ng lokal na pamahalaan sa nalalapit na Semana Santa at Summer Vacation para sa kaligtasan at kaayusan ng lahat ng deboto, bisita at turistang dadagsa sa bayan.

Samantala, pinangunahan naman ang naturang paghahanda ng MDRRMO kasama ang iba pang sangay na ahensya tulad ng PNP, BFP, MHO, Mayor’s Office, Tourism Office at Mangatarem Rescue/Emergency Response Team. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments