𝗟𝗧𝗢, 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗘𝗔𝗥𝗟𝗬 𝗜𝗡𝗦𝗣𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗨𝗦 𝗧𝗘𝗥𝗠𝗜𝗡𝗔𝗟𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Ininspeksyon ng hanay ng Land Transportation Office ang mga bus terminals sa Dagupan City, linggo ng umaga.

Bandang alas syete ng umaga, nagsagawa ng early inspeksyon ang LTO sa mga bus na bumabyahe para sa nalalapit na Semana Santa.

Nilibot ng mga ito ang buong bus terminals upang siguruhing lahat ng bus vehicles ay ligtas na gamitin at masigurong walang aberya sa oras na bumyahe na ang mga ito sa araw mismo ng Mahal na Araw.

Maigi din ininspeksyon ang kabuuan ng terminal para rin sa seguridad ng mga naghihintay na byahero at mga pasaherong babyahe pa lamang para sa long weekend.

Nagbigay kasiguraduhan naman ang mga bus terminals na patuloy ang mahigpit na pagbabantay at measurements pagdating sa safety at pag-accommodate sa lahat ng mga byahero. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments