𝗜𝗕𝗔’𝗧 𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗞𝗧𝗜𝗕𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗨𝗚𝗡𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗣𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗜𝗛𝗔𝗡, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Patuloy ang pagsasagawa ng mga aktibidad na may kaugnayan sa pagsulong sa karapatan ng mga kababaihan.

Ito ay kasabay ka din ng pagdiriwang ng Women’s Month sa buong bansa kung ay ipinaglalaban ang karapatan at kagalingan ng mga kababaihan.

Sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay Gabriela Women’s Partylist Representative Arlene Brosas, sa darating na March 8 ay ipagdiriwang ang International Women’s Month kung saan ay nagsasagawa ng ibat ibang aktibidad ang kanilang samahan.

Kasabay nito ay ang pagtalakay aniya sa nakaalarmang pag-abuso sa mga karapatan ng mga kababaihan kung saan ay nakatakdang ganapin ito sa March 13.

Nagtutungo, aniya, sila sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas upang ipakita ang pagsusulong ng mga karapatan ng mga kababaihan sa pamamagitan ng mga ibat Ibang aktibidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments