π—œπ—¦π—”π—‘π—š π—•π—”π—•π—”π—˜ π— π—¨π—Ÿπ—” 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π—‘π—š 𝗕𝗨π—₯π—šπ—’π—¦, π—”π—žπ—¦π—œπ——π—˜π—‘π—§π—˜π—‘π—š π—‘π—”π—›π—¨π—Ÿπ—’π—š 𝗦𝗔 π—§π—¨π—Ÿπ—”π—¬ 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗒𝗦 𝗠𝗔π—ͺπ—”π—Ÿπ—”π—‘ π—‘π—š π—•π—”π—Ÿπ—”π—‘π—¦π—˜

Nagresulta sa aksidenteng pagkamatay ng 48 anyos mula Brgy. Don Matias, Burgos na si Jocelyn Banzon matapos itong mawalan ng balanse at mahulog sa tulay sa Brgy. Tambacan sa nasabing bayan.

Nanggaling umano sa inuman ang biktima kasama ang pamilya nito nang nagpresentang ihatid sa bahay ang bayaw nito. Nilakad umano ng mga ito ang daan patungo sa bahay ng bayaw ng biktima nang biglang magsuka sa bridge barrier habang binabaybay ang tulay sa nasabing barangay. Dulot ng kalasingan ay nawalan umano ito ng balanse at nahulog sa tulay.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival matapos magtamo ng abdominal injuries at dislocation sa kaliwang siko nito buhat ng pagkakahulog. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments