
Cauayan City – Nasungkit ng Isabela State University Cauayan Campus ang titulo sa katatapos lamang na University Games at Culture and the Arts Festival 2026.
Muling itinanghal bilang Champion ang ISU-Cauayan Campus sa University Games 2026, habang 1st runner up naman ang ISU-Cabagan, 2nd runner-up ang ISU-Echague, 3rd runner-up ang ISU-Ilagan, 4th runner-up ang ISU-Roxas, habang 5th runner up naman ang ISU-Angadanan.
Samantala, nasungkit rin ng ISU-Cauayan ang titulo sa Culture and the Arts Festival 2026 matapos makakuha ng kabuoang 281 points sa pinagsama-samang puntos ng iba’t-ibang paligsahan.
Nakuha naman ng ISU-Echague ang ikalawang pwesto matapos makakuha ng 268 points, ikatlo ang ISU-Cabagan na may 236 points, ikaapat ang ISU-San Mateo na may 77 points, na sinundan ng ISU-Roxas na may 68 points.
Ang isinagawang aktibidad ng Isabela State University ay upang maipamalas ng mga ISUdyantes ang kanilang kahusayan sa larangan ng sports,maging sa kani-kanilang kagalingan pagdating sa talento sa larangan ng sining at kultura.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










