Thursday, March 12, 2026

𝗝𝗘𝗘𝗣𝗡𝗘𝗬 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦, 𝗗𝗨𝗠𝗔𝗗𝗔𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗦𝗜𝗡𝗚𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗘𝗧𝗥𝗢𝗟𝗬𝗢

Cauayan City – Apektado sa nararanasang tuluy-tuloy na pagtaas sa singil ng produktong petrolyo ang mga jeepney drivers na namamasada sa lungsod ng cauayan.

Sa panayam ng IFM News team kay Ginoong Jaime Inocencio Jr., isa sa mga jeepney drivers na namamasada mula Lungsod ng Cauayan hanggang bayan ng Roxas, mas lumiit pa ang kanilang kinikita sa araw-araw na panamasada ngayon.

Aniya, halos nasa p300-p400 lamang ang naiuuwi nito sa kanyang pamilya dahil sa p1000 na kinikita sa pamamasada, p600-p700 dito ay napupunta sa krudo.

Sinabi nito na sa 27 jeep na namamasada sa nabanggit na ruta, 3 jeep lamang ang nakakapila ng dalawang beses at lahat ng natitira ay isang beses na balikan na lamang.

Samantala, magkakaroon naman umano ng meeting ang mga jeepney drivers sa darating na linggo at isa sa kanilang imumungkahi ay ang dagdag pamasahe.

Sinabi rin nito na malaking tulong para sa kanila kung sakali man na makakatanggap sila ng fuel subsidy mula sa pamahalaan dahil kahit papaano ay makakabawi sila ng kita.

Ipinagpapasalamat naman nito dahil may ilan rin umanong mga pasahero na nakakaintindi sa kanilang sitwasyon dahil minsan, kung hindi dinadagdagan ng kusa ang kanilang pamasahe, ang ilan naman ay hindi na kinukuha ang kanilang sumali.

Facebook Comments