
Cauayan City – Paiigtingin pa ang kampanya laban sa ilegal na droga sa Isabela matapos kilalanin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa epektibong pagpapatupad ng mga programa ng mga lokal na pamahalaan sa ilalim ng Anti-Drug Abuse Council (ADAC).
Sa resulta ng 2025 Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Audit, idineklarang Functional Anti-Drug Abuse Council ang Provincial, City, at Municipal Anti-Drug Abuse Council sa lalawigan, isang indikasyon na tuloy-tuloy ang koordinasyon, preventive education, at community-based rehabilitation efforts ng mga LGU laban sa ipinagbabawal na gamot.
Apat na bayan naman ang umangat sa pambansang antas dahil sa kanilang natatanging performance, kung saan kabilang dito ang Aurora, Burgos, Delfin Albano, at Mallig.
Ayon sa DILG, ang pagkilalang ito ay sumasalamin hindi lamang sa mahigpit na pagpapatupad ng anti-drug initiatives kundi pati sa aktibong partisipasyon ng komunidad, na mahalaga upang mapanatiling ligtas at maayos ang bawat barangay sa buong Isabela.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










