𝗟𝗚𝗨 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡 𝗡𝗔𝗚𝗟𝗔𝗕𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚 𝗞𝗔𝗨𝗚𝗡𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗨𝗟𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗢 𝗙𝗕 𝗣𝗔𝗚𝗘 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗨𝗦 𝗡𝗔 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢’𝗬 𝗕𝗨𝗡𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗙𝗜𝗦𝗛𝗞𝗜𝗟𝗟 𝗡𝗔 𝗚𝗔𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡

Ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen ay labis na na-alarma sa ulat na naitala sa official facebook page ng Dagupan City Information Office kung saan nakasabat ang City Agriculture Office ng lungsod ng mga bilasang bangus na sanhi umano ng fish kill mula sa bayan ng Lingayen.

Agad na ipinag-utos ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang masusing imbestigasyon sa Municipal Agriculture Office (MAO) ng bayan at sinusubukan na ring makipag-ugnayan sa City Agriculture Office ng Dagupan upang makumpirma ang tunay na pinagmulan ng mga nasabat na isda. Ipinag-utos na rin ni Mayor Leopoldo N. Bataoil sa MAO na alamin ang tunay na sanhi nang pagkamatay ng mga bangus sa tulong ng technical expertise ng BFAR.

Suportado naman ng LGU Lingayen ang mga hakbang na ipinatutupad ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources laban sa pagbebenta o pagkunsumo ng mga isdang nagmula sa iligal na huli o kung ito’y mga “gataw “ o produkto ng fishkill.

Kinokundena rin ng lokal na pamahalaan ang iligal na gawaing ito at handang magsampa ng kaso sa sinumang mapapatunayang lumabag dito.

Samantala hiniling din sa publiko na makipag-ugnayan sa MAO Lingayen na agad i-report kung may mga balitang fish kill sa kanilang lugar upang maiwasan ang di tamang pagdispose sa mga ito lalo’t hindi ito ligtas upang ibenta o kainin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments