Saturday, January 31, 2026

π—Ÿπ—šπ—¨ π—§π—¨π— π—”π—¨π—œπ—‘π—œ, π—‘π—”π— π—”π—›π—”π—šπ—œ π—‘π—š 𝗔𝗕𝗒𝗑𝗒 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π— π—”π—šπ—¦π—”π—¦π—”π—žπ—”


β€Ž
β€ŽCauayan City – Ipinatupad ng Lokal na Pamahalaan ng Tumauini ang pamamahagi ng fertilizer sa mga kwalipikadong magsasakang nagtatanim ng palay nitong, January 6, 2026, na ginanap sa Rudy B. Albano Astrodome.
β€Ž
β€ŽPinangunahan ang aktibidad ni Mayor Venus T. Bautista bilang bahagi ng patuloy na suporta sa sektor ng agrikultura.
β€Ž
β€ŽAng mga fertilizer ay ipinagkaloob ng Department of Agriculture Regional Field Office No. 02 sa ilalim ng National Rice Program na naglalayong mapalakas ang produksyon ng palay at matulungan ang mga magsasaka na mapabuti ang kanilang ani.
β€Ž
β€ŽAyon sa pamahalaang bayan, malaking tulong ang naturang programa upang mabawasan ang gastusin ng mga magsasaka at masuportahan ang kanilang kabuhayan, lalo na sa gitna ng tumataas na gastos sa pagsasaka.
β€Ž
β€ŽTiniyak ng lokal na pamahalaan ang patuloy na pakikipagtulungan sa mga ahensya ng gobyerno upang maihatid ang mga programang magpapalakas sa agrikultura at magtitiyak ng seguridad sa pagkain sa Tumauini.
β€Ž
β€ŽSource: BAYAN NG TUMAUINI
β€Ž—————————————
β€Ž
β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β€Ž
β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments