
Cauayan City – Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Womenโs Month 2026, nag-anunsyo ang Philippine Statistics Authority (PSA) na magbibigay ito ng libreng kopya ng birth certificate o marriage certificate para sa mga babaeng kliyente.
Ayon sa PSA, maaaring makakuha ng libreng dokumento tuwing Lunes ng buwan ng Marso 2026 sa mga Civil Registry System (CRS) outlets. Layunin ng programa na kilalanin at suportahan ang mga kababaihan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas madaling access sa mahahalagang civil documents.
Kinakailangan lamang na magdala ng isang valid ID upang makapag-avail ng libreng serbisyo.
Gayunman, nilinaw ng PSA na limitado lamang ang libreng issuance at ito ay nakadepende sa kapasidad at pagpapasya ng bawat CRS outlet.
Hinihikayat ng ahensya ang mga kababaihan na samantalahin ang programang ito bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Womenโs Month, na nagbibigay-pugay sa mahalagang papel ng kababaihan sa lipunan.










