Masosolusyunan na ang matagal ng problema ng Dagupan City na bundok na bundok na basura na matatagpuan sa dumpsite, Brgy. Bonuan, Tondaligan Beach
Ipinahayag ito ng LGU Dagupan matapos bisitahin at inspeksyunin ng mga kinauukulan sa pangunguna ni MBTF, City Engr. Josephine Corpuz, Engr. Athena, HOLCIM’s New Streams Manager Anna Dia Aguisanda, Business Development Account Officer Jo Ann Gamboa at Marketing Officer Rey Michael Tagarao, ang nasabing dumpsite.
Sinabi ni HOLCIM’s New Streams Manager Anna Dia, na gagamitin ang Cement KilN Co-Processing kung saan ang mga basura na nakatambak sa lugar ay iko-convert sa alternatibong raw material o gagawing alternative fuel na ipanggagatong sa isasagawang mga semento.
Dagdag pa rito ay ang pagproseso sa mga basura ay zero-waste technology.
Ayon sa alkalde, sa pagsolusyon sa problemang ito ng lungsod ay maaari na nilang makapag-comply sa DENR.
Matatandaan din na ang dumpsite na ito ay mayroong nang limang dekada o limampung taon nang nakatambak sa lugar bagay na pinoproblema ng lungsod at ng mga residenteng malapit sa lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨