𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗠𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗕𝗢𝗟𝗜𝗡𝗔𝗢, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬

Patay ang isang singkwenta y dos anyos na lalaki matapos itong barilin ng kanyang kanyang kabarangay sa bayan ng Bolinao.

Ang biktima ay nakilalang si Philip Tumbaga habang ang suspek ay nakilalang si Jordan Labio parehong residente ng Barangay Ilog Malino sa nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon, pauwi ang biktima galing sa lamay sa kanilang Barangay nang ito ay sundan ng suspek at agad na barilin sa dibdib.

Nagawa pa naman itong isugod sa pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival.

Samantala naaresto naman ang suspek sa follow up operation ng PNP kung saan ay nakuha dito ang ginamit na baril na Isang Caliber 22 kasama ang apat na bala nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments