Patuloy na nararanasan sa ilang mga pangunahing kakalsadahan sa lungsod ng Dagupan ang mas mabagal at mabigat na daloy ng trapiko sa lungsod.
Bunsod ito ng mas makitid na mga daanan dahil umpisa na rin sa pagsesemento ang mga contractors sa nagpapatuloy na konstruksyon ng mga road projects na patuloy na idinadaing ng mga operators at commuters.
Sa isang bahagi ng Perez Blvd., particular sa bus terminal areas, inumpisahan na ang road elevation kaya naman ilang mga biyahero ang hassle umano ang pagpunta rito.
Daing pa ng ilang mga apektadong business establishments ang epekto nito sa kanilang mga negosyo, bagamat hindi kataasan sa Perez kumpara sa AB Fernandez ang sukat ng pagpapataas ng kalsada, apektado pa rin umano ang mga ito.
Umaasa naman sila sa maaaring maibigay na tulong ng lokal na pamahalaan upang maisaayos ang kalagayan ng kanilang negosyo.
Naniniwala naman ang iba na makatutulong ang proyektong ito upang maibsan na ang mga problemang pagbaha sa Dagupan City.
samantala,asahan pa ang dagsa ng mas maraming tao lalo na at ilang mga pagdiriwang ang inaabangan ng publiko sa Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments