𝗠𝗘𝗗𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗔𝗧 𝗗𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Isinagawa sa ilang barangay sa Dagupan City ang isang medical at dental mission na hatid ng lokal na pamahalaan ng lungsod sa ilalim ng programang ‘Alagang Healthy Dagupeño’.

Inihatid sa mga residente ng Barangay 2 at 3 ang ilang libreng serbisyong medikal tulad ng dental check up, prenatal care, vitamins at maintenance para sa mga senior citizens at marami pang iba.

Naglalayon ang naturang medical at dental mission na ito na pahatiran ng libreng serbisyo ang bawat Dagupeño, mapamatanda man o bata.

Samantala, magpapatuloy pa ang pagsasagawa ng naturang barangay para mahatid ng serbisyong medikal ang nasa 31 barangay nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments