𝗚𝗥𝗔𝗡𝗔𝗗𝗔, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗞𝗨𝗥𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Nagulantang ang isang mag-anak matapos nilang makita ang isang granada sa kanilang bakuran sa Dagupan City.

Nakita ang nasabing granada pasado alas singko ng hapon sa bahagi ng Sitio Riverside, Barangay Pantal sa nasabing lungsod.

Ayon sa caretaker na si Melvin Velasco, nakita ang nasabing granada habang naglilinis ng bahay sa likurang bahagi.

Agad naman itong ipinagbigay-alam sa mga awtoridad kung saan ay kanila na itong napasakamay sa mga eksperto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments