𝗠𝗚𝗔 𝗘𝗠𝗣𝗟𝗢𝗬𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗛𝗜𝗡𝗚𝗚𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗕𝗟𝗜𝗚𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗦𝗦

Cauayan City – Mahigpit na pinaalalahan ng mga kawani ng SSS ang mga employers sa Lungsod ng Cauayan hinggil sa kanilang mga obligasyon.

Ito ay matapos ang matagumpay na pagsasagawa ng Labor Day Race kahapon kung saan kanilang binisita ang mga employers na bigong mabayaran ang kontribusyon ng kanilang mga empleyado.

Ayon sa Branch Head ng SSS Cauayan na si Reynante T. Fernando, obligasyon ng mga employers na bayaran ang kontribusyon ng kanilang mga empleyado kaya’t hinihikayat nila ang mga ito na sila na mismo ang magkaltas ng kaukulang bayad sa sahod ng kanilang mga empleyado.


Ang ilan kasi ay hinahayaang ang mga empleyado na ang magbayad mismo ng kanilang kontribusyon sa SSS, ngunit malimit ang karamihan ay hindi naman ito ginagawa.

Dito nag-uugat ang problema ng karamihang employers dahil madalas ay naiipon ang kontribusyon na dapat sana ay nababayaran sa tamang oras.

Facebook Comments