𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗦𝗘 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗚𝗔𝗪𝗜𝗡 𝗞𝗨𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬 𝗕𝗢𝗠𝗕 𝗧𝗛𝗥𝗘𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡

Sa tulong ng iba’t-ibang ahensya patuloy na tiniyak ang kaligtasan bawat Pangasinense sa anumang banta ng panganib tulad ng bomb threat matapos dalawang malaking paaralan sa lalawigan ang nakatanggap noong February 19.

Bagaman lumabas na negatibo ang resulta ng napapabalitang mga bomb threat, pinaalalahanan ang bawat isa sa mga dapat gawin kapag nasa sitwasyong ito.

Ayon sa PDRRMO, manatiling kalmado sa ganong sitwasyon. Mainam na ipaalam o magsumbong agad sa awtoridad at huwag hawakan ang kahina-hinalang mga bagay. Sa pagkakataong may kahina-hinalang bagay na napansin, huwag itong hawakan at kung maaari ay lumayo o umiwas sa lugar na kinaroroonan nito. Panghuli, mag evacuate kung kinakailangan.

Kaugnay nito, nagpapaalala ang Kapulisan na hindi biro ang bomb threat. Sino man ang nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa banta na may kinalaman sa bomba o ano mang pampasabog ay paglabag sa Presidential Decree 1727 o Anti-Bomb Scare Joke Law at maaaring makulong ng limang taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments