𝗠𝗨𝗡𝗜𝗖𝗜𝗣𝗔𝗟 𝗦𝗟𝗔𝗨𝗚𝗛𝗧𝗘𝗥𝗛𝗢𝗨𝗦𝗘 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗜𝗡𝗔 𝗠𝗘𝗥𝗖𝗘𝗗𝗘𝗦, 𝗕𝗜𝗡𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗦𝗘𝗡𝗦𝗬𝗔

CAUAYAN CITY – Iginawad ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang lisensya sa Municipal Slaughterhouse ng Reina Mercedes upang mag-operate bilang Single-A facility.

Ang hakbang na ito ay bunga ng pagsusumikap nina Regional Director Dr. Elnora S. Ramones, Officer In Charge Municipal Administrator Francis Saguban, Engineer Mark Anthony Navarro, Municipal Agriculture Officer (MAO) Dionicio Tamayao, at Meat Inspector Nicolas Geronimo.

Ang proyekto ay kauna-unahan sa lalawigan ng Isabela at pangalawa sa buong Lambak ng Cagayan.


Sa pamamagitan ng lisensiyang ito, layunin ng slaughterhouse na tiyakin ang kalusugan at kaligtasan ng publiko sa pamamagitan ng pag-aalok ng mataas na kalidad at ligtas na mga produktong karne para sa mga mamimili.

Facebook Comments