𝗣𝗔𝗚𝗟𝗜𝗪𝗔𝗡𝗔𝗚 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗧𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗩𝗘𝗛𝗜𝗖𝗨𝗟𝗔𝗥 𝗔𝗖𝗖𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗦

Cauayan City – Malaki ang naging tulong ng pagliwanag ng kalsada sa lungsod ng Cauayan upang mapababa ang naitatalang aksidente sa lansangan.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay POSD Chief Pilarito Mallillin, kung ikukumpara noong madilim ang kalsada ay mas maraming aksidente ang naitatala sa mga lansangan sa lungsod ng Cauayan.

Malaking tulong ang maliwanag na kalsada upang bumaba ang bilang ng aksidente na kinasasangkutan ng mga sasakyan dahil ngayon ay mas nakikita na ng mga driver ang kanilang daan kahit sa pagsapit ng gabi.


Gayunpaman, sinabi ni Chief Malillin na bagama’t nasolusyonan na ng pamahalaang panlungsod ang problema sa lansangan, disiplina pa rin pagdating sa pagmamaneho sa kalsada ang magliligtas sakanila sa kapahamakan.

Facebook Comments