Arestado ang isang bente sais anyos na lalaki, residente ng Brgy. Mancup, Calasiao dahil sa pagnanakaw ng ilang kagamitan sa Engineering office ng nasabing bayan.
Naaksyonan ang pagnanakaw nang inireport ni Johnny Delos Santos, staff sa Engineering office , matapos niyang mapansin na nilooban ang kanilang opisina. Napansin niya na medyo nasunog ang pinto ng kanilang palikuran.
Nang tignan ang CCTV ng karatig na gusali, dito nakita na may isang lalaki ang lumabas sa kanilang opisina at may dalang sako. Ayon sa kanilang inventory, tanso at telephone wires na nagkakahalaga ng ₱5000 ang nawawala mula sa basement ng gusali.
Sa follow up operation na isinagawa ng awtoridad, dito na naaresto ang suspek na kinilalang si Ursos Guibao. Maaaring sa sinirang jalousie na bintana sa likod ng opisina ang ginawang entry at exit point ng suspek.
Narekober ang mga nawawalang materyales sa isang junk shop sa may kahabaan ng Sitio Puelay, Caranglaan District, Dagupan City.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP Calasiao ang suspek at nahaharap sa kasong Robbery. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨