𝗣𝗔𝗚𝗦𝗜𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗨-𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗜𝗡𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗟𝗨𝗕𝗢𝗡𝗚

Cauayan City – Kasing init ng panahon ang ginawang pagsalubong ng mga ISUdyantes sa opisyal na pagbubukas ng Academic Year 2024-2025 sa Isabela State University Cauayan Campus.

Suut-suot ang iba’t-ibang kulay ng damit, ibinandera ng libu-libong mga estudyante ang kani-kanilang mga departamento.

Iba’t-ibang performances ang natunghayan ng mga estudyante, habang tampok rin ang mga booths ng bawat colleges sa Grand Kick-Off program ng Academic Year 2024-2025.


Samantala, sa naging mensahe ni ISU Cauayan Campus Executive Officer Precila C. Delima, ang programang ito ay hudyat ng pagsisimula at simbolo ng panibagong yugto ng pag-aaral at karanasan para sa mas pag-unlad ng bawat isang estudyante ng ISU Cauayan.

Dumalo rin sa programa ang mga City Officials sa lungsod ng Cauayan na pinamumunuan ni Cauayan City Mayor Hon. Jaycee Dy, Vice Mayor Leoncio “Bong” Dalin, at mga Sangguniang Panlungsod members.

Facebook Comments