Naghahanda na ngayon ang pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ukol sa pagpapatayo ng Pangasinan Polytechnic College sa lalawigan.
Sa naganap na Sangguniang Panlalawigan (SP) session nitong lunes, ipinanukala ni Vice Governor Mark Ronald Lambino ang resolusyon ukol sa proyekto, na may pamagat na “Allowing the Pangasinan Polytechnic College-Center for lifelong Learning (PPC-CeLL) to use the Identified Training Sites Owned by the Provincial Government of Pangasinan.”
Sa ngayon, tinutukoy pa ng pamahalaang panlalawigan ang mga pasilidad na pagdadausan ng mga pagsasanay. Ilan sa mga tinitignang lugar ay ang mga gusaling matatagpuan sa Lingayen, Alaminos, at maging sa bayan ng Laoac, na pawang pagmamay-ari ng pamahalaan.
Ang naturang institusyon na i-oorganisa ay mag-aalok ng mga TESDA courses na pangungunahan ng Center for Lifelong Learning (CELL) sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨