𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗦𝗘𝗡𝗚 𝗢𝗙𝗪 𝗡𝗔 𝗡𝗜-𝗥𝗔𝗣𝗘 𝗔𝗧 𝗜𝗡𝗔𝗕𝗨𝗦𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗥𝗨𝗡𝗘𝗜, 𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦 𝗡𝗔

Balik Pinas na ang isang Pangasinenseng Overseas Filipino Worker mula sa Bayan ng Bayambang na ni-rape at inabuso sa bansang Brunei matapos agad na iproseso ang kanyang emergency repatriation sa bansa.

Sa Facebook Page ng LGU- Bayambang makikitang nakauwi na ang babaeng biktima kaninang madaling araw sa bansa kung saan nakausap nito ang alkalde ng bayan na si Mayor Niña Jose Quiambao, kasama ang PESO Bayambang at OWWA.

Matatandaang nagbahagi ng video ang babaeng biktima sa social media na humihingi ito ng tulong sa kinauukulan para sa kanyang agarang pag-uwi dahil sa mga hindi magandang karanasan nito sa kanyang amo at sa driver na nanamantala sa biktima.

Agad naman itong inaksyunan ng LGU Bayambang, PESO Bayambang at OWWA para sa agarang nitong pag-uwi bagay na lubhang ipinagpapasalamat ng biktima at pamilya nito.

Samantala, bukod sa agaran nitong pag-uwi, ipinabot sa biktima ang iba’t ibang mga tulong gaya na lamang ng halagang P10, 000 na Pangkabuhayan Package at nakatakda pang tumanggap ng iba pang ayuda mula sa ibang ahensya dahil ni-refer na ang kaso ng biktima sa mga concerned agencies. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments