𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗧𝗔𝗥𝗟𝗔𝗖 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗦𝗔𝗟𝗘𝗦

Kalaboso ang isang kwarenta y sais anyos na lalaki matapos itong mahuli sa ikinasang buy bust operation sa bayan ng Rosales.

Ang suspek ay nakilalang si Essex Polintan residente ng bayan ng Paniqui sa lalawigan ng Tarlac.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado alas onse ng umaga na nagresulta sa pagkakakumpiska sa suspek ng Apat na sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng .52 grams at nagkakahalaga ng mahigit tatlong libong piso.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek na isa ring street level individual sa usapin ng illegal drugs sa nasabing bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments