Tinitiyak ng Public Attorneyβs Office (PAO) Ilocos Region na may sapat silang mga abogado na tutulong sa publiko para sa kanilang mga reklamo o kaso.
Ayon kay PAO Ilocos regional officer-in-charge Atty. Cristina Jenny M. Reyes, mayroong mga public lawyers sa rehiyon ang nakahanda upang bigyang pansin ang sino man na nangangailangan ng kanilang serbisyo.
Nasa kabuuang 134 na public lawyers ng PAO sa rehiyon ngayon ang handa para sa mga libreng legal services. Sa kabilang banda, nasa higit isandaang libong (157,212) kliyente na ang nabigyan ng tanggapan ng libreng legal services sa mga indigent na Pilipino sa unang kwarter pa lamang ng taong 2024.
Habang nasa higit dalawangdaang libong (266,774) kliyente ang kanilang nabigyan ng libreng legal services noong taong 2023.|πππ’π£ππ¬π¨