𝗣𝗑𝗣, π—žπ—œπ—‘π—œπ—Ÿπ—”π—Ÿπ—” π—”π—‘π—š π—–π—”π—šπ—”π—¬π—”π—‘ π—©π—”π—Ÿπ—Ÿπ—˜π—¬ π—•π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π—£π—œπ—‘π—”π—žπ—”π—§π—”π—›π—œπ— π—œπ—ž 𝗑𝗔 π—₯π—˜π—›π—œπ—¬π—’π—‘ 𝗦𝗔 π—•π—¨π—’π—‘π—š 𝗕𝗔𝗑𝗦𝗔

CAUAYAN CITY – Inihayag ng Philippine National Police na isa ang Lambak ng Cagayan sa pinakatahimik na rehiyon o nagkakaroon ng malimit na crime incidents sa buong bansa.

Ang nasabing pagkilala ay ipinarating ni Police Regional Office 02 Police Brigadier General Christopher Birung sa Kapihan sa Bagong Pilipinas ng PIA Region 02.

Aniya, kung hindi man nasa unahan ay madalas nasa ikalawa o ikatlo ang rehiyon sa may pinakamababang bilang ng mga krimen.


Sa katunayan, bumaba ng 48.01% ang crime rate sa rehiyon na kung saan nagpapakita ito ng 77.27% crime solution efficiency, habang 82.95% naman na crime clearance efficiency na naitala mula June 2022 hanggang kasalukuyan.

Malaking parte nito ay ang matagumpay na pagkakaaresto sa 607 na Top Most Wanted Persons sa rehiyon, 341 Most Wanted Persons, at 7,587 na other Wanted Persons sa loob lamang ng dalawang taon.

Dagdag pa rito, binigyan rin ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ng parangal ang PRO2 dahil sa kanilang pagsusumikap na panatilihin ng kaayusan at kaligtasan ng bawat mamamayan sa buong rehiyon dos.

Facebook Comments