𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔

Nananatiling mababa ang presyo ng bigas sa mga pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan.

Nasa PHP 45 ang pinakamababang presyo ng produkto simula pa nito lamang nakaraang linggo.

Ayon sa mga rice retailers, bagamat hindi na inaasahan ang mas mababang presyo nito sa susunod na mga araw ay nararanasan na umano ngayon ang low price sa produkto, kumpara sa dating presyuhan nito na umaabot sa PHP 50 per kilo.

Samantala, nauna nang tiniyak ni PBBM na sapat ang supply sa bansa sa kabila ng nararanasang El Niño Phenomenon at nananatili ring matatag ang rice sufficiency level sa probinsya ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments