Friday, February 27, 2026

๐—ฃ๐Ÿฐ.๐Ÿฑ๐—  ๐—ก๐—” ๐—ฆ๐— ๐—จ๐—š๐—š๐—Ÿ๐—˜๐—— ๐—–๐—œ๐—š๐—”๐—ฅ๐—˜๐—ง๐—ง๐—˜๐—ฆ, ๐—ก๐—”๐—ฆ๐—”๐— ๐—ฆ๐—”๐—  ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข ๐Ÿฎ

โ€Ž
โ€ŽCauayan City – Nasabat ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang tinatayang halos P4.5 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa magkahiwalay na operasyon sa Cagayan at Nueva Vizcaya. Ayon sa ulat mula sa Camp Marcelo A. Adduru sa Tuguegarao City, bahagi ito ng pinaigting na kampanya ng PNP laban sa ilegal na kalakalan at iba pang krimen.
โ€Ž
โ€ŽSa unang operasyon sa Barangay Ugac Norte, Tuguegarao City, nakumpiska ang 5,576 reams ng sigarilyo na nagkakahalaga ng mahigit P4.4 milyon sa bisa ng search warrant. Inaresto ang isang suspek na kinilalang alyas โ€œThelma,โ€ habang pinaghahanap pa ang dalawa niyang kasabwat. Napag-alamang walang graphic health warnings ang mga nakuhang produkto, na paglabag sa umiiral na batas.
โ€Ž
โ€ŽSamantala, sa ikalawang insidente, nahuli ang dalawang lalaki matapos umanong tumakas sa checkpoint ng Bayombong Police Station sa Maharlika Highway, Nueva Vizcaya. Sa isinagawang inspeksyon, nasamsam ang 450 reams ng sigarilyo na nagkakahalaga ng P132,000, dalawang bala ng caliber .45, at ang ginamit na sasakyan. Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Revised Penal Code at iba pang espesyal na batas.
โ€Ž
โ€ŽBinigyang-diin ni Antonio P. Marallag Jr., Regional Director ng PRO2, na patuloy ang kanilang operasyon upang tuluyang masugpo ang bentahan at pagpasok ng ilegal na sigarilyo sa rehiyon, alinsunod sa mas pinaigting na kampanya ng pambansang pulisya para sa mas ligtas na komunidad.
โ€Ž
โ€ŽSource: PRO 2

————————————–

โ€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

โ€Ž#985ifmcauayan
โ€Ž#idol
โ€Ž#numberone
โ€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments