
Cauayan City -Kabi-kabilaang balita tungkol sa aksidente sa lansangan ang bumungad sa taong 2026, dahilan upang mas palakasin pa ng San Mateo Police Station ang kanilang kampanya kaugnay sa ligtas na pagmamaneho sa kalsada.
Sa panayam ng IFM News Team kay Police Lieutenant Jose Tamang, Deputy Chief of Police ng San Mateo PS, aksidente sa lansangan pa rin umano ang malimit maitala sa bayan ng San Mateo Isabela ngayong unang buwan ng taon.
Dahil dito, mas pinalalakas pa ng kanilang hanay ang kanilang kampanya tungo sa ligtas na pagmamaneho ng sasakyan at paggamit ng kalsada sa pamamagitan ng Oplan Tambuli, Dialogue, at Seminars sa kanilang nasasakupan.
Ayon kay PLT Tamang, hindi sila tumitigil sa pagpapaalala sa mga motorista kaugnay sa mga dapat isaalang-alang kapag magmamaneho ng sasakyan, kabilang rito ang pagsunod sa batas trapiko, pagsusuot ng safety hears, pag-iwas sa pagmamaneho kapag nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin, at pagsusuri sa mga sasakyan bago umalis.
Dagdag pa nito, pinapaalalahanan rin niya ang mga magulang na bantayan ang kanilang mga menor-de-edad na anak at pigilan ang mga ito sa hindi awtorisadong pagmamaneho.
Samantala, patuloy ang paki usap ng kapulisan sa mga motorista na tumalima sa mga umiiral na batas upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.
—————————————
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










