Tinupok ng apoy ang sampung kabahayan sa Barangay Poblacion sa bayan ng Lingayen.
Bandang alas tres ng hapon nitong lunes nang sumiklab ang apoy sa bahagi ng P. Moran West Street sa nasabing bayan kung saan bukod sa sampung kabahayan na ito ay apektado rin ng bahagya ang limang kabahayan sa Jacoba Street sa parehong barangay.
Dahil sa naganap na pagkasunog, apektado ang nasa halos limampung katao sa lugar kung saan pansamantalang nanunuluyan ang mga ito sa inihandang Evacuation Center ng LGU-Lingayen.
Agad din namigay ng tulong ang LGU sa mga residenteng apektado.
Upang agad na malaman ang dahilan ng pagkasunog ng mga ari-arian ng mga residente, iniutos na ng alkalde na si Mayor Leopoldo Bataoil sa BFP Upang alamin at isagawa ang masusing imbestigasyon sa insidenteng ito.
Namahagi rin ng check-up ang Municipal Health Office para alamin ang kanilang mga tinamo sa sunog. Nagpapatuloy ang imbestigasyon ukol dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨