𝗘𝗫-𝗖𝗢𝗡𝗩𝗜𝗖𝗧 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗧𝗔𝗥𝗘𝗠, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Timbog ang Isang singkwentay uno anyos na lalaki sa ikinasang buy bust operation sa bayan ng Mangatarem.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek na nakilalang si Melchor dela Cruz pasado alas sais ng gabi sa Barangay Umangan sa nasabing bayan.

Nagresulta ito sa pagkakakumpiska sa suspek ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng .703 grams at nagkakahalaga ng halos limang libong piso kasama ang buy bust money na ginamit sa operasyon.

Ayon sa PNP, dati na ring nakulong sa Bilibid ang suspek sa kasong Carnapping at illegal drugs. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments