𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗟𝗢𝗗𝗘𝗗 𝗢𝗥𝗗𝗡𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗢 𝗣𝗔𝗠𝗣𝗔𝗦𝗔𝗕𝗢𝗚, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗧𝗔 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗔

Natagpuan ng isang mag-uuling ang isang Unexploded Ordnance o pampasabog sa bayan ng Sta Maria.

Ang nasabing pampasabog ay nakita ng isang Jose Gayap pasado alas singko ng hapon sa Barangay San Patricio na nasabing bayan.

Nakita ang nasabing pampasabog sa bahagi ng quarry site sa lugar na agad naman inireport sa PNP kung saan ay nakipag-ugnayan ang PNP sa Explosive and Ordinance Division nito.

Napag-alaman na ito ay isang 105 millimeter projectile high explosive at hawak ng ng Explosive and Ordinance Division ng PNP para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments