Tiniyak ng Provincial Veterinary Office (OPVET) Pangasinan na sapat ang suplay ng produktong baboy ngayon sa probinsya.
Bagamat mataas ang produksyon ng produktong baboy, matumal naman diumano ang nagiging bentahan nito sa mga pamilihan sa lalawigan.
Ayon sa ilang nagtitinda, halos linggo-linggo na ang nagiging pagtaas ng presyo nito, kaya’t kakaunti na lamang ang tumatangkilik sa karneng baboy.
Gayunpaman, dagdag pa ng OPVET, walang naitalang ASF sa mga produktong baboy kaya’t mataas ang nagiging suplay ng produksyon nito ngayon na dumarating at pinoprodyus na karne sa lalawigan.
Samantala, mahigpit namang pinapatupad ng OPVET ang mga border control checkpoints upang masigurong nasuri at hindi mahahawaan ng ASF ang mga baboy na pumapasok sa lalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨