Friday, February 27, 2026

‎𝗧𝗘𝗖𝗛𝗡𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗚𝗥𝗢𝗨𝗣, 𝗜𝗧𝗔𝗧𝗔𝗬𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗙𝗙𝗜𝗖 𝗥𝗨𝗟𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔


‎Cauayan City – Isinusulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Isabela ang pagbuo ng isang Technical Working Group (TWG) upang pag-isahin ang mga ordinansa sa trapiko sa buong Isabela.

‎Ayon kay Kiko Dy, layunin nitong maglatag ng iisang pamantayan sa kalsada para sa mas epektibong pag-iwas sa aksidente sa lahat ng bayan at lungsod.

‎Tinalakay ang hakbang sa isang consultative meeting na dinaluhan ng mga kinatawan ng Philippine National Police, Land Transportation Office, at Department of Public Works and Highways, kasama ang mga lokal na alkalde.

‎Binibigyang-diin ng mga opisyal ang kahalagahan ng koordinasyon upang maging pare-pareho ang pagpapatupad ng batas-trapiko.

‎Iniulat rin na bumaba ng 28.5 porsyento ang road crashes mula Pebrero 9–20, 2026, bunga ng reorganisasyon ng Isabela Road Safety Council sa ilalim ng Executive Order No. 10 ni Governer Rodito Albano.

‎Nakatakda ring magsagawa ng malawakang road safety seminar ang Integrated Provincial Health Office sa Mayo, katuwang ang iba’t ibang ahensya.

‎Source: Isabela PIO

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments