
Cauayan City – Inatasan ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ang pansamantalang pagsuspinde sa exploration activities ng Woggle Corporation sa bahagi ng Bitnong, Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya kasunod ng mga insidenteng nakaapekto sa kapayapaan at kaayusan sa lugar.
Sa liham na pirmado ni Assistant Secretary for Mining Concerns Michael Cabalda noong February 5, 2026, inatasan ang kumpanya na agad itigil ang lahat ng operasyon sa loob ng kanilang permit area habang umiiral ang suspension order.
Ayon sa MGB, nagkaroon ng force majeure na sitwasyon matapos maglagay ng mga barikada na humarang sa daan patungo sa exploration site.
Mananatiling epektibo ang suspensyon hanggang sa maibalik ang normal na peace and order situation, batay sa magiging pagsusuri ng MGB.
Gayunman, nilinaw ng ahensya na ang hakbang ay pansamantala lamang at hindi nangangahulugang kanselado ang exploration permit ng kumpanya.
Source: DWRV
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










