Ayon kay Manaoag Municipal Mayor Jeremy Agerico Rosario, isa umano sa highlights ng kapistahan ang naganap na prusisyon at koronasyon sa procession routes ng Brgy. Poblacion sa nasabing bayan.
Matatandaan na noong April 22, 1926 ay iginawad ang canonical coronation ng Birhen sa pangunguna ni Pope Pius XI. Sa isang taon dalawang beses lamang inilalabas mula sa altar ang imahen ng Our Lady of the Most Holy Rosary of Manaoag. Una ay tuwing ipinagdiriwang ang kapistahan nito tuwing Abril at pangalawa sa paggunita ng Feast of Our Lady of the Rosary tuwing Oktubre.
Kaugnay nito, siniguro naman ng alkalde ang kahandaan ng bayan sa patuloy na pagdagsa ng mga deboto at maayos na ugnayan sa awtoridad patungkol sa katiwasayan at kaligtasan ng publiko sa kapistahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨